Gabriel's posts with tag: yuri
|  | "Why so serious?"
Yuri Leonardo as Batman. This the result of a taking a break from studying.:)) |
Si Yuri ay ang cute na cute na tatlong taong gulang kong nakababatang kapatid.
Linggo ng umaga nang magsimula ang storya. Nasa hapag-kainan si Yuri Leonardo Correa Jose at ang kanya mama at sabay kumakain ng agahan. Nag timpla ng kape ang kanyang mama.
Yuri: "Lord, salamat po talaga sa kape." sinabi ni yuri nang nakangiti na nakaaktong nagdarasal. (At mukhang nagdadasal nga siya.)
Napansin ito ng kanyang mama ngunit hindi nalamang nagsalita kahit medyo ngumingisi na.
Aba'y, napansin pala ni Yuri na naaliw ang kanyang mama sa ginawa niya at sinabi kaya lalo pa itong nagpapansin.
Yuri: "Lord, ang sarap-sarap po talaga ng kape." pagmamalabis na ngiti ang ginawa ni yuri habang sinabi niya ito bago siya humigop ng kape.
Mama: "Hoy, akin yan." ang sinabi ng kanyang mama habang nakangiting kinukuha ang tasa ng kape.
Yuri: "Hoy 'wag mong kunin sa akin yan, tinimpla sa akin yan ni Lord."
at hindi na kailangan pang ituloy ang storya.
(Totoong nangyari talaga yan nitong nakaraang linggo. Napag-iisip tuloy kami kung tatlong taong gulang lang nga ba 'tong si Yuri.) haha :))
| |
|